![]()
Nagtamo si Golden State star Stephen Curry ng oblique abdominal tear at ire-re-evaluate sa loob ng dalawang linggo, ayon sa anunsyo ng Warriors.
Sumailalim si Curry sa MRI matapos lumabas sa game laban sa host na Houston Rockets sa natitirang 6 minutes and 25 seconds sa first quarter.
Nakagawa lamang ang 38-year-old cager ng 3 points para sa Warriors sa naturang game.
Si Curry, na 4-time NBA champion at 12-time All-Star, ay nag-a-average ng 27.8 points, 3.7 rebounds, at 3.9 assists sa 10 games sa kanyang 18th season.
