![]()
Kinansela ng American pop-rock band na LANY ang kanilang sold-out Cebu concert, ilang oras bago ito magsimula, bunsod ng safety concerns sa venue.
Ayon sa concert promotion company na Live Nation Philippines, hindi itinuloy ang concert dahil sa safety issues, partikular sa roofing ng venue na nadiskubre matapos ang soundcheck.
Gaganapin sana ang show sa SM Seaside Cebu Arena.
Kasabay ng paghingi ng paumanhin ay tiniyak ng concert promoter sa ticket holders na lahat ng tickets ay ire-refund.
Sa kanyang Instagram Stories, ibinahagi ni LANY lead singer Paul Klein ang kalungkutan at panghihinayang kasunod ng kanselasyon ng kanilang sold-out concert.
