![]()
Hindi bababa sa anim na Palestinians ang nasawi, kabilang ang isang surgeon at isang teenager na lalaki, sa Israeli strike sa main hospital sa southern Gaza.
Tumama ang airstrike sa building kung saan matatagpuan ang surgery wards sa Nasser Hospital sa Khan Younis.
Sinabi ng Israeli military na tinarget nila ang isang senior Hamas commander.
Inakusahan din ng Israel ang mga militante na ginagamit ang hospital complex para planuhin ang mga pag-atake, na itinanggi naman ng Hamas.
