dzme1530.ph

Mga ospital sa mga lugar na apektado ng bagyong Aghon, naka-code white na ayon sa DOH

Nasa code white alert na ang mga ospital sa mga lugar na apektado ng pananalasa ng bagyong Aghon.

Sa Bagong Pilipinas ngayon public briefing, inihayag ni DOH Spokesperson Assistant Sec. Albert Domingo na simula pa noong May 24 ay umiiral na ang code white.

Sa ilalim nito, nakahanda ang sistema ng mga ospital para sa anumang medical crisis sa harap ng kalamidad.

Tiniyak din ni Domingo na tuloy-tuloy ang serbisyo ng mga pagamutan kahit na bumabagyo.

Mababatid na libu-libong pamilya na ang apektado ng bagyong Aghon sa malaking bahagi ng Luzon at ilang lugar sa Visayas.

About The Author