dzme1530.ph

SANA NG TWICE, BIBIDA KASAMA SI TAKERU SATOH PARA SA KOREA-JAPAN COLLAB FILM

Loading

Opisyal nang papasok sa kanyang acting era si Sana ng South Korean girl group na TWICE.
 
Ayon sa ulat ng Soompi, nakatakdang magbida ang K-pop idol kasama ang Japanese actor na si Takeru Satoh sa isang paparating na collaboration film ng South Korea at Japan.
 
Ang proyekto ay may working title na “Nyangi.”
 
Isasagawa ang shooting sa Japan ngayong taon sa pangunguna ng isang Korean production staff.
 
Nag-debut si Sana bilang miyembro ng TWICE noong 2015, habang nakilala si Takeru Satoh sa kanyang pagganap bilang Kenshin Himura sa live-action film series ng manga na “Rurouni Kenshin.”

About The Author