dzme1530.ph

US, IBA-BLACKLIST ANG ASIAN AI FIRM NA MEGASPEED KASUNOD NG NVIDIA SCANDAL

Loading

Plano ng Estados Unidos na i-ban ang Singaporean artificial intelligence (AI) company na umano’y may kaugnayan sa NVIDIA scandal.
 
Inanunsyo ng Department of Commerce na balak nilang idagdag ang Megaspeed Limited sa listahan ng entities na blacklisted sa pagbili o pagbebenta ng goods sa US.
 
Ang kumpanya ay developer ng data centers, subalit nitong mga nakaraang linggo ay inakusahan ang dating executive ng Megaspeed bilang spy ng China.
 
Hindi kilala ang Megaspeed sa US hanggang nito lamang nakaraang buwan, nang pumutok ang balita na ang kanilang former executive na si Alice Huang ay nagkaroon ng affair kay Jensen Huang.
 
Si Alice ay pinaghihinalaan ng US intelligence na nagtatrabaho bilang asset ng Beijing, na lumikha ng national security concerns sa Estados Unidos.

About The Author