dzme1530.ph

PAGKADISMAYA KAY TRANSPORTATION SECRETARY VINCE DIZON, HINDI NA ITINAGO NI SEN ALAN PETER CAYETANO

Loading

Hindi na naitago ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang pagkadismaya kay Transportation Secretary Vince Dizon.

Sa budget deliberations sa Senado, sinabi ni Cayetano na hindi siya kumbinsido na ang flood control scandal lamang ang dahilan ng pagbagal sa negative 28 ng public spending sa mga imprastraktura.

Sinabi ni Cayetano na wala kasing ginawa si Dizon sa panahon niya sa Department of Public Works and Highways.

Hindi anya totoo na walang kontraktor na gustong mag-bid sa mga proyekto kundi mismong ang DPWH ang hindi nagpabid.

Hindi rin anya umubra ang tatlong ginawa ni Dizon na magturo, mag-media at magmura.

About The Author