![]()
Malakas ang indikasyon na nasa bansa pa rin ang gambling tycoon na si Charlie “Atong” Ang, na isinasangkot sa kaso ng mga nawawalang sabungero.
Pahayag ito ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag, matapos kumpirmahin ng Department of Justice (DOJ) na naglabas ang Manila Regional Trial Court ng arrest warrant laban kay Ang, pati na sa co-accused nito na si former police officer Ryan Jay Oropa.
Ang arrest warrant ay karagdagan sa arrest orders na inilabas ng Laguna at Batangas courts noong Enero.
Sinabi ni Matibag na patuloy ang kanilang pagsasagawa ng surveillance para matunton ang kinaroroonan ng gambling tycoon.
Inamin ng NBI chief na isa sa kanyang mga wish ngayong Pasko ay maaresto na si Ang.
Una nang inanunsyo ni Interior Secretary Jonvic Remulla noong Oktubre na nakalabas ng bansa si Ang sa pamamagitan ng “backdoor.”
