dzme1530.ph

FIBA AT SBP, ISINAPUBLIKO ANG BRANDING PARA 2027 WOMEN’S ASIA CUP SA CEBU

Loading

Isinapubliko na ng FIBA at Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang opisyal na branding para sa 2027 FIBA Women’s Asia Cup na gaganapin sa Cebu.
 
Ayon sa FIBA, ang pink, blue, at yellow na mga kulay ng branding ay hango sa mga kulay na kumakatawan sa Cebu, na sumisimbolo sa dagat, himpapawid, at payapang kapaligiran.
 
Tampok din sa disenyo ang woven patterns o mga habing motif bilang pagpupugay sa mayamang tradisyon ng paghahabi ng mga Pilipino.
 
Samantala, sinabi ni SBP President Ricky Vargas na isang karangalan para sa Pilipinas na maging host ng isa na namang malaking torneo sa Asya at maipakita ang kakayahan ng bansa sa pagdaraos ng mga internasyonal na kompetisyon sa basketball.

About The Author