![]()
Umaabot umano sa ₱100 bilyon ang windfall profit o sobrang kinita ng gobyerno mula sa pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo dulot ng tensyon sa Middle East.
Sa panayam ng ME Radio TV, sinabi ni LPG Marketers Association President at Founder Arnel Ty na ang naturang halaga ay nagmula sa koleksiyon ng buwis sa mga produktong petrolyo.
Ayon kay Ty, sa laki ng kinita ng pamahalaan, maliit lamang umano ang naipamahaging ayuda sa mga sektor na naapektuhan ng pagtaas ng presyo ng langis.
Aniya, kung ₱20 bilyon ang inilabas ng gobyerno para sa ayuda, may natitira pa umanong humigit-kumulang P80 bilyon mula sa nakolektang windfall revenues.
