![]()
Hiniling ng Department of Transportation sa Metropolitan Manila Development Authority o MMDA na i-turn over sa kanila ang pamamahala sa 19 pedestrian footbridges at limang elevators na nakakonekta sa EDSA Busway stations.
Sinabi ni Transportation Secretary Vince Dizon na layunin nitong magkaroon na lamang ng single accountable agency.
Ginawa ni Dizon ang pahayag matapos makumpleto ang rehabilitation works sa pitong EDSA Busway stations.
Nakatakda namang isailalim sa rehabilitasyon ang EDSA Busway Balintawak Station sa susunod na taon na may pondong ₱70 million, kasama ang renovation ng footbridge.
