![]()
Nakatakdang bumalik sa Pilipinas ang British R&B singer na si Craig David para sa kanyang “Born to Do It” world tour sa Araneta Coliseum sa May 31, 2027.
Ipe-perform ng singer ang kanyang debut album na “Born to Do It” sa buong concert, na sasamahan ng kanyang live band, at ilan sa kanyang biggest hits.
Hatid ng Wilbros Live, ang concert ay bahagi ng pagdiriwang ng 26th anniversary ng release ng album, na naglunsad kay Craig sa international stardom.
Asahan ng mga fans na mapapanood nila ang performance ni Craig sa kanyang best-known songs, gaya ng “7 Days,” “Fill Me In,” “Walking Away,” at “Rendezvous,” pati na ang “Rise and Fall,” “Insomnia,” “What’s Your Flava,” at “Don’t Love You No More (I’m Sorry).”
