![]()
Pinaluwag ng National Food Authority (NFA) ang kanilang mga panuntunan sa pagbili ng palay upang matulungan ang mga magsasaka na madagdagan ang kanilang kita.
Sinabi ng NFA na ni-revise nila ang kanilang palay-buying rules matapos pulungin ang mga magsasaka, millers, retailers, at field officials sa kanilang tanggapan sa Quezon City.
Ito ay para review-hin at i-update ang kanilang standard operating procedures bago ang pagdagsa ng mga ani.
Kabilang sa nirebisa ay ang recalibration sa pag-qualify ng “dry palay.”
Pinanatili rin ng NFA ang kanilang buying price sa 17 pesos per kilo para sa wet palay habang 21 pesos per kilo para sa dry.
