dzme1530.ph

Role ni Zendaya sa Spider-Man, unang inalok kay Liza Soberano —Careless Executive

Ibinunyag ng Careless CEO na si Jeffrey Oh na inalok na mag-audition si Liza Soberano para sa role na Michelle Jones (MJ), na love interest ni Peter Parker sa Marvel Superhero film series na “Spider-Man.”

Sinabi ni Oh na nakalagpas ang oportunidad kay Liza dahil nakatali ito sa kontrata sa ABS-CBN, at napunta ang role sa singer-actress na si Zendaya.

Nanghihinayang na isiniwalat ng Careless executive ang pagkakataon na nasayang para sa isang Filipina actress na bibida na sana sa isa sa pinakamalaking Marvel movies, dahil sa 10-year contract na kailanman ay hindi pa niya naririnig saanmang panig ng mundo.

Ipinunto ni Oh na napakabata pa ni Liza nang lumagda ito para sa 10-taong kontrata sa ABS-CBN at hindi aniya ito maganda.

Si Liza ay mina-manage ngayon ng Careless na isang talent studio na pinamumunuan ng dating kapamilya actor na si James Reid bilang president.

About The Author