dzme1530.ph

MAGNITUDE 6.7 NA LINDOL, TUMAMA SA SOUTHERN PERU

Loading

Niyanig ng magnitude 6.7 na lindol ang Southern Peru, ayon sa US seismologist.
 
Gayunman, wala pang reports hinggil sa casualties o pinsalang dulot ng malakas na pagyanig.
 
Natunton ang epicenter ng lindol 40 kilometers o 25 miles northwest ng Upa Huacho, at halos 800 kilometers mula sa kabisera na Lima.
 
Ang naturang lindol ay may lalim na 66 kilometers.
 
Batay naman sa record ng Geophysical Institute of Peru, nasa magnitude 7.2 ang tumamang lindol.

About The Author