dzme1530.ph

Pilipinas, nanatili sa 40th spot sa latest ranking ng FIBA

Sa pagtatapos ng 6th window ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers, nanatili ang Pilipinas sa 40th spot sa latest Basketball ranking na inilabas ng FIBA.

Sa back-to-back home games noong Pebrero, na ginanap sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan, pinadapa ng Gilas Pilipinas ang koponan ng Lebanon sa score na 107-96 subalit kinapos sa laban sa Jordan, 90-91.

Sa kabila naman nito ay pasok pa rin ang Gilas sa Top 8 sa Asia, sa pangunguna ng Power House Australia na nanatili rin sa No. 3 sa world ranking.

Panglawa sa Asian ranking ang Iran, pangatlo ang New Zealand, pang-apat ang China, panlima ang Jordan, pang-anim ang Japan habang pang-pito ang South Korea.

About The Author