![]()
Isiniwalat ni ACT Teachers at House Deputy Minority Leader Antonio Tinio na 44.9% ng proposed budget ng Office of the President sa 2027 ay confidential at intelligence funds.
Sa ilalim ng proposed budget, kabuuang P4.55-B ang secret funds ng OP, P2.25-B ang confidential, at P2.30-B ang intelligence fund, kapantay ng 2026 CIF.
Sa kabuuan ng gobyerno, P10.773 billion ang secret funds ng pamahalaan, at halos kalahati nito ay nasa Pangulo.
Para kay Tinio, kontra ito sa transparency at good governance policy na gustong pairalin ng Marcos administration.
Ito aniya ay “glaring double standard” sa current political landscape, kung saan ang Bise Presidente ay nililitis dahil sa CIF.
Muling binuhay ni Tinio ang panawagan na tanggalin lahat ang CIF sa national budget.
Base sa 2027 NEP na isinumite sa Kongreso, P10.083-B ang inilalaang annual budget ng Office of the President.
