dzme1530.ph

PAGLILIPAT NG ORAS NG IMPEACHMENT TRIAL SA HAPON, DEDESISYUNAN NA NG SENADO SA SUSUNOD NA LINGGO

Loading

POSIBLENG sa susunod na linggo ay may desisyon na ang Impeachment Court kung ibabalik na sa hapon ang impeachment trial upang mas maging mahaba ang kanilang oras sa pagsasagawa ng pagdinig.
 
Ito, ayon kay Senate President Sherwin Gatchalian, ay bunsod ng layunin nilang agad na matapos ang impeachment trial at mapagtuunan na ng atensyon ng mga senador ang kanilang legislative works.
 
Ayon kay Gatchalian, mayroon na silang consensus kaugnay sa panukala ni Senate Majority Leader Juan Miguel Migz Zubiri na pagpalitin ang oras ng impeachment trial at ang kanilang sesyon.
 
Kung sa hapon aniya isasagawa, ang impeachment trial tuwing araw ng Lunes hanggang Miyerkules ay magiging wan to sawa ang kanilang pagdinig at posibleng matapos sa loob ng isang araw ang pagsalang ng isang testigo mula sa direct examination, cross-examination hanggang sa interjections ng mga senator-judges.
 
Sa ngayong setup, tinatapos ng alas-3 o hanggang alas-4 ang impeachment trial dahil may sesyon pa ang Senado kaya tumatagal ng tatlong araw ang pagharap ng isang testigo.

About The Author