![]()
Hiniling ng prosekusyon sa International Criminal Court na magdagdag ng tatlong testigo sa kasong crimes against humanity laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Iginiit ng prosekusyon na makatutulong ang testimonya ng tatlo pang testigo upang palakasin ang umano’y polisiya ng dating administrasyon sa pag-target ng mga suspected criminals sa pamamagitan ng violent crimes kasama na ang mga pagpatay.
Partikular na pinasasama ang mga witness na tinukoy lamang bilang P-1370, P-1393 at P-1416.
Nakatutok umano ang testimonya ng mga ito sa extrajudicial killings sa Central Luzon, partikular sa tinawag nilang ‘one time, big time operation’ ng Duterte administration.
