![]()
Pasok ang Alas Pilipinas beach pair nina Sofiah Pagara at Khy Progella sa semifinals ng women’s beach volleyball sa 20th Asian Games sa Aichi-Nagoya 2026.
Ito’y matapos nilang padapain ang home bets na sina Non Matsumoto at Ren Matsumoto, sa score na 24-22, 22-20, sa quarterfinals na ginanap, kanina sa Hakinan Ryokuchi Court.
Patuloy ang pamamayagpag ng Pagara-Progella tandem na nananatiling undefeated simula noong preliminaries.
Makakaharap nila sa semis kung sino ang mananalo sa Bernadeth Pons-Sisi Rondina at Taravadee Naraphorraphat-Kongphopsarutawadee Worapeerachayakorn matchup.
