dzme1530.ph

INFECTION NA NAGRESULTA SA SEPTIC SHOCK, KINUMPIRMANG DAHILAN NG PAGKAMATAY NG GRADE 4 STUDENT MATAPOS ANG DEWORMING SA PAARALAN

Loading

KINUMPIRMA ng Department of Education (DepEd) na isang infection na nagresulta sa septic shock ang sanhi ng pagkamatay ng Grade 4 student na sumailalim sa deworming sa isang paaralan sa Cavite.
 
Sa pahayag ng DepEd, namatay ang estudyante noong July 3 matapos ang routine deworming sa Hugo Perez Elementary School-Annex sa Trece Martires City.
 
Batay sa inisyal na imbestigasyon, ilang estudyante ang nagkasakit matapos ang deworming.
 
Matapos ang insidente, tiniyak ng DepEd na nirerebisa na nila ang kanilang health and safety protocols habang nagpapatuloy ang komprehensibong imbestigasyon ng mga health authority.
 
Tiniyak din ng DepEd na magbibigay sila ng emotional, psychological, at logistical support sa pamilya ng nasawing estudyante.

About The Author