dzme1530.ph

Preview ng pelikula ni Bela Padilla, inilabas na

Inilabas na ang pinakahihintay na preview ng pelikulang “Yung Libro Sa Napanood Ko” na pinagbibidahan nina Bela Padilla at Yoo Min-Gon.

Si Bela rin ang nagsulat at nag-direk ng pelikula tungkol sa isang K-drama fan na na-motivate na sumulat ng kanyang sariling libro.

Sa Preview, ipinakita ang karakter ng aktres sa kanyang book launch, kung saan nilapitan siya ng isang Korean admirer na ginampanan ni Yoo para humingi ng kanyang autograph.

Bukod sa dalawa, may special participation din sa movie ang veteran actress na si Lorna Tolentino.

Ang “Yung Libro Sa Napanood Ko” ay official entry sa 2023 Summer Metro Manila Film Festival.

About The Author