![]()
Inaasahan ng Kamara na maaaprubahan ang panukalang 7.2 trillion pesos na pambansang pondo para sa 2027 sa ikatlo at pinal na pagbasa sa Oct. 9.
Sinabi ni House Appropriations Committee Vice Chairperson at Surigao del Sur Rep. Romeo Momo Sr. na feasible ang timeline, dahil nakumpleto na nila ang kanilang panel-level deliberations sa panukalang 2027 budgets ng iba’t ibang government agencies.
Inihayag din ni Momo na pinag-aaralan din ng House leaders na itaas ang proposed 643 billion pesos na proposed budget ng Department of Public Works and Highways sa 2027.
Ito aniya ay dahil kailangan ng additional funding para makumpleto ang high-impact projects, kabilang na ang flood control projects.
Gayunman, hindi tinukoy ng mambabatas kung magkano ang balak na idagdag ng Kamara sa panukalang budget ng DPWH.
