dzme1530.ph

AGRICULTURE DEPARTMENT, HINDI NA HIHIRIT NG EXTENSION SA 50 PESOS/KILO NA PRICE CAP SA IMPORTED NA BIGAS

Loading

Hindi na isusulong ng Department of Agriculture (DA) ang pagpapalawig sa 50 pesos per kilo na price cap sa imported rice bunsod ng matatag na presyo ng bigas sa mga palengke.
 
Sinabi ni DA Spokesperson Arnel de Mesa na marami nang bigas ngayon na ibinebenta na mas mababa sa singkwenta pesos kada kilo kaya hindi na kailangan pang magtakda ng price cap.
 
Sa datos mula sa Bantay Presyo ng DA, as of Sept. 9, ang presyo ng karamihan ng premium rice sa mga pamilihan sa Metro Manila ay nasa 50 pesos per kilo habang ang pinakamahal ay 60 pesos per kilo.
 
Habang ang regular milled imported rice ay nasa 45 pesos per kilo at ang well milled imported rice ay naglalaro sa 47 to 48 pesos per kilo sa Metro Manila markets.

About The Author