dzme1530.ph

ARRAIGNMENT NI VP SARA SA KASONG GRAVE THREATS, ITINAKDA BUKAS

Loading

Itinakda ang arraignment ni Vice President Sara Duterte para sa three counts of grave threats, bukas, sa Quezon City Regional Trial Court.

Sinabi ng abogado ni Duterte na si Michael Poa na hindi pa nila natalakay ang tungkol sa arraignment kasama ang Bise Presidente.

Gayunman, inihayag ni Poa na obligadong personal na dumalo ang akusado sa korte para maghain ng plea.

Samantala, isang grupo ng supporters ni VP Sara ang planong mag-kampo sa harap ng Quezon City RTC simula mamayang gabi.

Kinasuhan ng Department of Justice (DOJ) ng three counts of grave threats si Duterte dahil sa pahayag nito na may kinausap siyang tao para paslangin sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Marcos, at dating Speaker Martin Romualdez, sakaling magtagumpay ang umano’y assassination plot laban sa kanya.

About The Author