![]()
Naniniwala ang 48% ng mga Pilipino, edad disi otso pataas, na gaganda ang kalidad ng kanilang pamumuhay sa susunod na labing dalawang buwan, ayon sa pinabagong survey ng Social Weather Stations (SWS).
Sa June 20-29 survey sa 1,200 respondents, tinawag na “optimists” ang 48% na nagsabing gaganda ang kanilang pamumuhay.
31% naman ang nagsabing pareho lang ang magiging lagay ng kanilang pamumuhay, habang 8% o tinawag na “pessimists” ang naniniwalang mas lalala ang kalidad ng kanilang buhay.
Mayroon namang 12% na hindi nagbigay ng kanilang sagot sa survey.
Ayon sa SWS, nagresulta ang mga pigura sa net personal optimism score na +40 o “excellent.”
Ang June 2026 score ay mas mataas ng 17 points kumpara sa “high” +23 na naitala noong Marso.
