dzme1530.ph

Power maintenance activities sa NAIA 3 muling ipapatupad ng MIAA

Inanunsiyo ng Manila International Airport Authority (MIAA) na magkakaroon ng power shutdowns sa NAIA 3 hanggang sa May 28, 2024.

Kaugnay ito ng serye ng power maintenance activities dahil sa pagpapalit ng deteriorated medium voltage switchgear components saw along electrical substations sa paliparan.

Inamin naman ng MIAA na sa oras ng maintenance work ay magkakaroon ng pagbabawas sa air conditioning, habang ilang elevators at escalators naman ang hindi gagana.

Kabilang sa maaapektuhan ng power shutdowns ang multilevel parking, substations sa South at North concourses, at ang main substation ng NAIA  3.

Sisimulan ang power shutdows ng hatinggabi kung kailan kaunti lamang ang mga flights.

Tiniyak naman ng MIAA na may naka-standby silang generator sets para tuloy-tuloy ang pagproseso sa mga pasahero at flights operation.

About The Author