![]()
“I’m a survivor.”
Ganito inilarawan ni Pokwang o Marietta Subong ang kanyang sarili, sa dami ng mga pinagdaanan niya sa buhay.
Kagabi ay naging panauhin ang 2026 Cinemalaya Best Actress sa programang Pak Plakado kasama si Jemuel Saltero at Mama Lafhook sa ME Radio TV.
Ibinahagi ni Pokwang na pang-siyam siya sa labindalawang magkakapatid, at bata pa lang ay talagang palaban na siya sa buhay.
Nagsimula siya bilang stand-up comedian sa mga comedy hanggang sa mag-champion sa reality talent search na “Clown in a Million” ng ABS-CBN noong 2004.
Sa kanyang pagbisita, inanunsyo rin ni Pokwang na due to insistent public demand, mapapanood na sa mga sinehan sa buong bansa ang Cinemalaya movie na “2 Valid IDs” sa Oct. 14.
Mayroon ding naka-lineup na tatlo pang pelikula ang aktres, na ang isa ay kanya nang nasimulan.
Idinagdag ni Pokwang na may nakatakda rin siyang teleserye para sa susunod na taon, at hopefully aniya ay sa February.
