dzme1530.ph

ALEX EALA, INAASAHANG AAKYAT BILANG NO. 3 SEED SA SINGAPORE OPEN MATAPOS UMATRAS SI JESSICA PEGULA

Loading

Inaasahang aakyat si Pinay tennis ace Alex Eala sa seed no. 3 sa WTA 500 Singapore Open matapos mag-withdraw ang American star na si Jessica Pegula mula sa tournament.
 
Kahapon ay inanunsyo ni Pegula na hindi siya tutuloy sa Singapore Open dahil iniinda pa niya ang pisikal na pagod kasunod ng kanyang US Open campaign.
 
Dahil sa pag-atras ng world no. 3 na si Pegula, inaasahang aakyat si Eala sa Singapore Open seedings.
 
Ang 21-year-old Pinay na world no. 18 ay unang inilagay bilang no. 4 seed.
 
Ang world no. 5 na si Mirra Andreeva ang top seed na sinundan ni world no. 11 Amanda Anisimova.

About The Author