![]()
48 Chinese Coast Guard at naval vessels ang na-monitor ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa key features ng West Philippine Sea, simula Sep. 8 hanggang 14.
Ang mga namataang barko ay kinabibilangan ng 32 China Coast Guard (CCG) ships at 16 People’s Liberation Army Navy (PLA-N) warships.
Pinakamarami ang naispatan sa Bajo de Masinloc kung saan mayroong 15 CCG at anim na PLA-N vessels.
Walo namang CCG ships ang na-monitor sa Ayungin Shoal habang tatlong CCG ships at apat na PLA-N warships sa Escoda Shoal, at anim na CCG vessels at anim na PLA-N ships ang naitala sa Pag-asa Island.
