dzme1530.ph

PNP umaasang lulutang si Quiboloy sa lalong madaling panahon

Naniniwala ang Philippine National Police (PNP) na nasa Pilipinas pa si Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy.

Ito ayon kay Police Regional Office 11 Director, Police Brigadier General Alden Delvo, na umaasang haharapin ng pastor ang warrant of arrest nito sa lalong madaling panahon.

Ang warrant of arrest sa kasong child abuse ni Quiboloy ay inilabas ng Davao City Regional Trial Court nitong Miyerkules.

Sinabi pa ni Delvo na dapat ay personal na humarap ang pastor upang maproseso na ang warrant nito.

Inihayag pa ng opisyal na mayroon ng tracker team na binuo upang matunton ang lokasyon ni Quiboloy.

Nabatid na tatlo sa mga co-accused ng KJCL Leader ang pansamantalang nakalaya matapos makapag piyansa ng ₱ 80,000.

About The Author