dzme1530.ph

Death toll sa lindol sa Taiwan, mahigit 20 na

Sumampa na sa 25 ang bilang ng mga namatay dahil sa malakas na pagtama ng magnitude 7.2 na lindol sa Taiwan kahapon.

Sa datos ng otoridad, nasa 1,038 na ang mga sugatan, 48 ang nawawala, kabilang ang 42 hotel workers.

Kaugnay nito, mahigpit na nakamonitor ang Disaster Management Command Center hinggil sa isinasawagang search and rescue operation sa lugar.

Plano rin nito na magtalaga ng helicopters at magpalipad ng drones para mahanap ang iba pang nawawalang indibidwal.

Nabatid na ang malakas na pagyanig ay nagdulot ng matinding pinsala sa ilang gusali, railway line, at nagkaroon din ng landslide.

About The Author