dzme1530.ph

Pisong taas-presyo sa gasolina, ipapatupad

Nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng taas-presyo sa produktong Petrolyo sa ikalawang sunod na linggo.

Pagsapit ng alas-sais ng umaga ngayong Martes, epektibo na ang dagdag na nobenta’y singko sentimos sa kada litro ng Gasolina.

Tumaas din ng singkwenta sentimos ang singil sa kada litro ng Kerosene.

Samantala, tinapyasan naman ng bente sentimos ang singil sa kada litro ng Diesel.

Kabilang sa mga nag-anunsyo ng Oil Price Adjustment ang Pilipinas Shell, Caltex, Petron, Fliying V, Petro Gazz, Phoenix Petroleum, PTT Philippines, at Cleanfuel.

Matatandaang noong nakaraang linggo ay ipinatupad ang dagdag na dos pesos at nobenta sentimos sa kada litro ng Diesel, sitenta sentimos sa kada litro ng Gasolina, at piso at sisenta’y singko sentimos sa kada litro ng Kerosene.

About The Author