dzme1530.ph

PAGASA, asahan ang pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa

Uulanin pa rin ang malaking bahagi ng bansa dahil sa Shear Line at Northeast Monsoon o Hanging Amihan.

Ayon sa PAGASA, kalat-kalat na pag-ulan ang inaasahan sa Visayas at Mindanao ngayong araw ng Martes.

Makulimlim na panahon na may mahihinang pag-ulan din ang mararanasan sa Cagayan Valley, Aurora, Quezon, at Bicol Region.

Inaasahan din ang mahihinang pag-ulan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.

Patuloy na pinag-iingat ang mga residente sa banta ng mga pagbaha at landslides.

About The Author