dzme1530.ph

PINAY OPPOSITE SPIKER ALYSSA SOLOMON, LUMAGDA SA THAI POWERHOUSE NAKHON RATCHASIMA

Loading

Dadalhin muli ni Filipina opposite spiker Alyssa Solomon ang kanyang laro sa ibang bansa matapos lumagda sa Nakhon Ratchasima 3M Films VC — isang powerhouse, high-caliber club sa Women’s Volleyball Thailand League.
 
Inanunsyo ng agency ni Solomon ang second overseas professional team, kasunod ng one-year stint ng 24-year-old Pinay spiker sa Osaka Marvelous sa Japan.
 
Si Solomon ay kabilang sa bright spots sa kampanya ng Alas Pilipinas Women’s sa nagdaang 2026 Asian Games, kung saan pang-siyam ang pambansang koponan matapos ma-sweep sa classification round.
 
Napatunayan din ng National University product ang kanyang sarili bilang isa sa pinakamagaling sa rehiyon matapos itanghal na Best Opposite Spiker sa SEA V. Cup ng apat na beses noong 2023, 2024, at dalawang beses ngayong taon.
 
Si Solomon ang latest Filipina na pumirma sa Nakhon Ratchasima kasunod ni Celine Domingo noong 2023.

About The Author