dzme1530.ph

Pilipinas, wala pa ring talo sa Women’s Softball Asia Cup; Thailand, dinurog!

Nananatiling flawless ang Philippine Women’s Softball Team matapos ang tatlong sunod na panalo sa ginaganap na Women’s Softball Asia Cup sa Incheon, South Korea.

Kasunod ng back-to-back wins laban sa Hong Kong sa score na 7-0 at sa host na South Korea sa score na 2-0, ipinagpatuloy ng Blu Girls ang pamamayagpag sa pamamagitan ng pagdurog sa Thailand sa score na 10-0.

Bukod sa Asian Championship, nakataya rin ang tatlong World Cup slots sa naturang nine-team tournament.

Kabilang sa iba pang mga bansa na kalahok sa kompetisyon ay ang top seed na Japan, China, Singapore at  India.

About The Author