dzme1530.ph

Budget ng gobyerno, balik sa deficit noong Pebrero

Balik sa deficit ang budget ng gobyerno noong Pebrero makaraang bumaba ang revenue collection sa ikalawang buwan ng taon.

Ayon sa Bureau of Treasury, naitala sa P106.4-B ang budget deficit noong Pebrero, kabaliktaran ng P45.7-B na surplus noong Enero.

Mas mataas din ito kumpara sa P105.8-B na deficit na nai-record noong February 2022.

Natapyasan ng 0.25% o P211.9-B ang revenues noong Pebrero habang ang tax revenues ay bumagsak ng 3.01% o P192-B.

About The Author