dzme1530.ph

Aljur Abrenica, aminadong niloko si Kylie Padilla

Inamin ni Aljur Abrenica na nagtaksil siya sa asawang si Kylie Padilla kaya nasira ang kanilang pagsasama.

Sinabi ng aktor na ginawa rin naman niya ang lahat para maisalba pa ang kanilang relasyon subalit hindi na talaga naayos.

Inamin din ni Aljur na ang pinakamalaking pagkakamali niya ay nang mawalan siya ng panahon kay Kylie at sa kanilang mga anak na sina Alas Joaquin at Axl Romeo.

Sa lagay naman ng kanyang puso ngayon, inilarawan ng aktor na sapat ang kanyang pagmamahal sa Diyos, sa sarili, sa mga anak, at sa mga mahal sa buhay.

About The Author