![]()
Nagkaroon na ng flood control master plan ang Pilipinas sa mga nakalipas na dekada, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Gayunman, sinabi ng Chief Executive na hindi naisakatuparan ang master plan at ngayon pa lamang ito masisimulan.
Ginawa ni Marcos ang pahayag matapos inspeksyunin ang nasirang Agana at Aquino Bridges sa Tarlac, na gumuho ang mga bahagi sa kasagsagan ng malakas na ulan at baha, dulot ng habagat.
Kamakailan ay inanunsyo ng Malakanyang ang plano na magtayo ng limang dams sa Nueva Ecija at isang 100-kilometer dike patungong Pilar, Bataan, bilang bahagi ng long-term solutions ng pamahalaan sa paulit-ulit na pagbaha sa Central Luzon.
