![]()
Pinasaya ni Pickleball Queen Anna Leigh Waters ang Mall of Asia para sa Franklin Asia Pickleball Showcase.
Tuwang-tuwa na napasigaw ang fans nang makita nilang paakyat ng stage ang World No. 1 sa pamamagitan ng “Santacruzan entrance” sa isang true Pinoy fashion.
Sinabi ng 19-year-old American pickleball superstar na very heartwarming ang pagmamahal at suporta ng mga Pilipino sa kanya.
Maging ang kanyang coach at mommy ni Anna na si Leigh Waters ay namangha rin sa pagtanggap ng mga Pilipino.
Nakaharap ng mag-inang Anna at Leigh ang Pinoy top players at celebrities sa anim na iba’t ibang match.
Ilan sa mga naglaro ay sina Anna Claire Patricio, Paulo Fermin, Ariella Arida, Diana Zubiri-Smith, at Rodjun Cruz.
