dzme1530.ph

PETISYON LABAN SA POSTPONEMENT NG BARANGAY AT SANGGUNIANG KABATAAN ELECTIONS, IPINABABASURA NG SOLICITOR GENERAL SA KORTE SUPREMA

Loading

Hiniling ng Office of the Solicitor General sa Korte Suprema na ibasura ang petisyon laban sa batas na nagpapaliban sa nakatakda sanang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa November 2.

Sa comment na inihain, iginiit ng OSG na ang pagpapalabas ng Temporary Restraining Order at iba pang relief na hinihingi ng election lawyer na si Romulo Macalintal ay magdudulot ng disruption sa operasyon ng poll body.

Iginiit ng OSG na sinuspinde na ng Comelec ang kanilang preparasyon, inalis muna ang election prohibitions at itinigil muna ang paghahain ng Certificates of Candidacy gayundin ang campaign period.

Binigyang-diin pa ng OSG na ang public interest ay dapat mangibabaw sa anumang aksyon ng gobyerno.

About The Author