dzme1530.ph

EXCISE TAX AT VAT SA DIESEL AT GASOLINA, MULING IGINIIT NA BAWASAN

Loading

HINIMOK ni Senador Imee Marcos ang gobyerno na bawasan ang VAT at excise tax sa diesel at gasolina, sa halip na LPG at kerosene lang ang sakop ng suspensyon ng excise tax sa ilalim ng Executive Order No. 125.
 
Iginiit ni Marcos na ang gasolina at diesel ang higit na kailangan ng transport, magsasaka at mangingisda at hindi sapat ang pagtanggal ng excise tax sa kerosene at LPG, sa taas ng mga presyo ngayon at hirap ng buhay.
 
Ayon sa senadora, umabot sa $99.41 kada bariles ang average ng Dubai crude mula Agosto 13 hanggang Setyembre 11, lagpas sa $80 threshold ng R.A. No. 12316.
 
Sa kabila ng rollback noong Setyembre 29, nananatili sa ₱95.17 hanggang ₱96.72 kada litro ang diesel at ₱88.78 hanggang ₱90.62 ang gasolina. Humihina rin ang piso, na nasa ₱62.62 na kada dolyar ngayong araw.
 
Tinatayang ₱12 bilyon kada buwan ang mawawala sa gobyerno kung tuluyang sususpindehin ang excise tax sa krudo.
 
Dahil ditoo, iminungkahi ni Marcos ang partial reduction sa excise tax, pagbawas sa VAT, at targeted na fuel discount para sa maliliit na konsyumer, na may takdang litro kada buwan.
 
Giit ng senadora, dapat mapunta ang ginhawa sa maliliit na konsyumer, hindi sa malalaking kumpanya ng langis.
 
Maaari anyang gumamit ng fuel card o voucher na may pangalan ng benepisyaryo, buwanang limit, at malinaw na diskwento sa resibo upang matiyak na mapupunta ang tulong sa mga tunay na nangangailangan.

About The Author