![]()
Ang drama film na “A Perfect Marriage” nina Kim Chiu at Paulo Avelino ang kumumpleto sa “Magic 8” ng Metro Manila Film Festival o ang official lineup na magpapaligsahan sa 52nd edition ng MMFF.
Isinapubliko ang second batch ng movie entries sa seremonya na ginanap sa Shangri-La Plaza Mall sa Mandaluyong City.
Bukod sa “A Perfect Marriage,” ang tatlo pang finalists ay kinabibilangan ng “Los Salvaje Bravos,” nina Ruru Madrid at Romnick Sarmenta; “Little Hope” nina Yassi Pressman at Pepe Herrera; at “Seeds of Peace” starring Zaijian Jaranilla.
Una nang inanunsyo ang first batch ng mga pelikula noong Hulyo na kinabibilangan ng “2nd Miracle in Cell No. 7” nina Aga Muhlach at Jodi Sta. Maria; “Amir” nina Dennis Trillo at Glaiza de Castro; “Haunted Carnival” nina Julia Barretto at James Reid; at “The Greatest Showdown” nina Vice Ganda at Vic Sotto.
Bago ipalabas sa mga sinehan ang walong pelikula sa Dec. 25 ay magkakaroon muna ng traditional Parade of Stars sa Dec. 19.
