![]()
Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mga deboto na ipagdasal si Pope Leo XIV na nakatakdang sumailalim sa lung surgery.
Ginawa ni CBCP President Archbishop Gilbert Garcera ang apela, matapos ianunsyo ng Santo Papa na magpapa-opera ito para alisin ang maliit na bukol sa kanyang baga na nadiskubre matapos magpa-checkup kamakailan.
Sa statement, sinabi ng arsobispo sa mga deboto na hilingin sa Panginoon ang matagumpay na operasyon at mabilis na paggaling ni Pope Leo.
Sa kanyang weekly Sunday prayer, sinabi ng Santo Papa na “well-contained” na ang paglaki ng bukol sa kanyang baga at maaga itong na-detect.
