Walang na-monitor na anumang konstruksyon o reclamation activities ang Philippine Coast Guard (PCG) sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal.
Sinabi ni PCG Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela na bukod sa maritime domain awareness flight na isinasagawa ng Coast Guard at regular na pagpa-patrol ay wala naman silang nakikitang reclamation na ginagawa sa Bajo de Masinloc.
Idinagdag ni Tarriela na ang tanging hamon lamang sa kanila ay makalapit o makapasok sa Shoal.
Una nang nagbabala si National Security Council Assistant Director General Jonathan Malaya na anumang pagtatangka ng China na gawing isla ang Bajo de Masinloc ay maituturing na pagtawid sa “Red Line.”