dzme1530.ph

ONE CHINA POLICY, HINDI HADLANG SA KOOPERASYON NG PILIPINAS SA TAIWAN, AYON SA DFA

Loading

Hindi hadlang ang One China Policy para isulong ng Pilipinas ang economic, cultural, at functional cooperation sa Taiwan, ayon sa Department of Foreign Affairs.
 
Kasabay nito ay pinagtibay ng DFA ang pagkilala ng Pilipinas sa polisiya na kumikilala sa People’s Republic of China bilang nag-iisang legal na pamahalaan ng China.
 
Binigyang-diin ng kagawaran na nananatili at hindi nagbabago ang pagkilala ng Pilipinas sa One China Policy.
 
Gayunman, nananatili rin ang pagkakaibigan at pagiging magkapitbahay ng Pilipinas at Taiwan na mayroon nang mahabang kasaysayan sa pagnenegosyo.
 
Pinanindigan din ng DFA ang mandato na pairalin ang diplomasya, panatilihin ang komunikasyon at isulong ang mapayapang resolusyon sa hindi pagkakaunawaan, alinsunod sa international law.

About The Author