dzme1530.ph

PANSAMANTALANG SUSPENSYON SA EXCISE TAX SA MGA PRODUKTONG PETROLYO, INIREKOMENDA NI SEN. LAPID KAY PANGULONG MARCOS

Loading

Inirekomenda ni Senador Lito Lapid kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipatupad ang mga hakbangin na pansamantalang suspindihin ang excise tax sa mga produktong petrolyo.

Sinabi ni Lapid na dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo, labis na apektado ang kabuhayan ng mga manggagawa sa industriya ng turismo at mga magsasaka.

Ang suspensyon sa fuel excise tax ay nakapaloob sa Republic Act 12316 kung saan siya ay co-author.

Alinsunod sa batas, binibigyang kapangyarihan ang Pangulo na suspindihin o babaan ang fuel excise tax sakaling umabot sa 80 dollars per barrel ang average price ng Dubai crude oil.

Sinabi ni Lapid na panahon nang suspindihin ng Pangulo ang excise tax sa mga produktong petrolyo dahil malaki ang maitutulong nito para sa kabuhayan ng mga Pilipino.

About The Author