dzme1530.ph

KAPATID NI KIM CHIU NA SI LAKAMBINI, ARESTADO SA QUALIFIED THEFT

Loading

Inaresto ng Quezon City Police ang kapatid ni Kim Chiu na si Lakambini sa Mandaluyong City dahil sa qualified theft.
 
Ayon sa mga awtoridad, dinakip ang 45-year-old na si Lakambini sa Brgy. Wack Wack, sa bisa ng warrant na inilabas ng Quezon City Regional Trial Court Branch 84.
 
Itinakda ang piyansa sa 5.838 million pesos.
 
Sinampahan ni Kim ng criminal complaint ang kanyang ate ng qualified theft noong Disyembre, matapos madiskubre ang financial discrepancies sa kanilang negosyo.
 
Nakakita ang Office of the City Prosecutor ng sapat na grounds para kasuhan si Lakambini ng 124 counts ng qualified theft.
 
Kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya ng pulisya ang nakatatandang kapatid ng actress-TV host at pansamantalang nakaditine sa Police Station 10 Custodial Facility habang hinihintay ang commitment order ng korte.

About The Author