dzme1530.ph

ALAMIN ANG KAHALAGAHAN NG GUT-BRAIN AXIS SA KALUSUGAN NG UTAK AT TIYAN

Loading

May malaking ugnayan ang utak at bituka sa pamamagitan ng tinatawag na gut-brain axis, ayon sa mga eksperto sa kalusugan.
 
Ipinaliwanag na ang mga “good bacteria” sa bituka ay nakatutulong sa produksyon ng mga kemikal na nakaaapekto sa mood, memorya, at stress.
 
Kaya naman, ang hindi malusog na bituka ay maaaring maiugnay sa pagkabalisa at hindi maayos na panunaw.
 
Pinapayuhan ang publiko na kumain ng pagkaing mayaman sa fiber, prutas, gulay, at fermented foods, uminom ng sapat na tubig, at matulog nang maayos upang mapanatiling malusog ang gut-brain axis.
 
Paalala ng mga doktor, kung madalas ang pananakit ng tiyan o may tuluy-tuloy na pagbabago sa panunaw at mood, makabubuting magpatingin sa isang lisensyadong manggagamot.

About The Author