dzme1530.ph

MAHIGIT 17K PULIS, IPINAKALAT SA 54TH ANNIVERSARY NG MARTIAL LAW DECLARATION NGAYONG LUNES

Loading

Mahigit 17,000 police personnel ang idineploy sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila para sa mga aktibidad kaugnay sa 54th anniversary ng deklarasyon ng Martial Law.

Una nang inihayag ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na mahigit 15,000 police officers ang ipapakalat para sa mga aktibidad na inaasahan ngayong Lunes.

Batay sa latest assessment ng mga awtoridad, inaasahan ang mga pagkilos sa EDSA Shrine, People Power Monument, Mendiola at Liwasang Bonifacio, pati na sa kalapit na government agencies, gaya ng Senado at Batasang Pambansa.

Sinabi ni NCRPO Spokesperson Police Lt. Col. Hazel Asilo na batay sa kanilang assessment, inaasahang aabot sa tatlunlibo ang bilang ng mga dadalo sa mga pagtitipon.

About The Author